TV

Derrick Monasterio, magiging boses ni Steve sa 'Voltes V' simula ngayong March 27

By AL KENDRICK NOGUERA

May bagong aabangan ang mga kabataan sa susunod na linggo dahil magbabalik sa telebisyon ang sikat na anime na Voltes V!

Simula ngayong Lunes, March 27, makikilala na ng bagong henerasyon ng kabataan sina Big Bert, Little John, Jaime Robinson, Mark at Steve, isang grupo na magko-control ng higanteng robot na tinatawag nilang Voltes V.

Alam ba ninyong isa sa mga magbibigay ng boses sa characters na ito ay si Kapuso actor Derrick Monasterio? Ibinahagi niya ang magandang balita sa kanyang Instagram.


"Hii guys! I'll be doing Steve Armstrong's voice in Voltes V," saad ng aktor.

Abangan ang boses ni Derrick sa Voltes V simula ngayong Lunes, March 27, 8:25 a.m. ng umaga.

MORE ON DERRICK MONASTERIO:

Derrick Monasterio reacts to his viral kissing scene in 'Tsuperhero'

WATCH: 'Mulawin VS Ravena' cast, puspusan ang training dahil bawal magkaroon ng double sa fight scenes

Cast ng 'Tween Hearts,' reunited muli