TV

WATCH: Tom Rodriguez, muling makakatambal si Carla Abellana after two years

By MICHELLE CALIGAN

Balik trabaho na si Kapuso leading man Tom Rodriguez pagkatapos mamalagi sa Amerika nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa cancer noong isang buwan.

READ: Tom Rodriguez's father passes away

?Ayon sa ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, unti-unti na raw nagmo-move on ang aktor sa nangyari sa kanilang pamilya.kanilang pamilya.

"Dad's huge heart left a giant dent in ours so we miss him a lot. It's tough. Sabi nga namin, it's out of selfishness that we miss him, but we're partly happy that he's not suffering anymore."

Sa kanyang pagbabalik sa bansa, dalawang TV projects kasama si Carla Abellana naman ang sumalubong sa kanya. Ang mga ito ay ang Mulawin VS Ravena at I Heart Davao. Taong 2014 pa sila huling nagtambal sa programang My Destiny.

"It's an answered prayer din. [I've] been wishing for this to happen again. May pagka-romantic comedy nga eh. It's a cute, charming, and heartwarming concept," paglalarawan niya sa I Heart Davao.

Narito ang buong report:

 

MORE ON TOM RODRIGUEZ:

READ: Tom Rodriguez, nag-react sa hosting stint ni Carla Abellana sa '24 Oras'

#PiDay: Watch Tom Rodriguez recite all the numbers of 'pi' in this throwback video