TV

Eugene Domingo on working with Edu Manzano: Natural (siya)

By CHERRY SUN

Unang proyekto nina Eugene Domingo at Edu Manzano na magkasama sa Celebrity Bluff, pero may instant chemistry agad ang Kapuso host-comedienne at batikang game show master.

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com

Puro papuri ang nasabi ni Eugene nang tanungin siya sa press conference ng kanyang nagbabalik na programa tungkol sa pagiging special bluffer ni Edu.

Aniya, “Natural. Natural na masaya, natural na matalino, at saka ang cute niya ‘di ba! Talagang napaka-smooth ng taping, walang ka-pressure-pressure.”

Ipinagdasal daw niyang makatrabaho si Edu. 

Wika niya, “Kasi talagang para sa akin, game show master-host siya eh. Parang isang malaking karangalan para sa akin at marami pa akong natututunan, ganun. Tapos biglang makasama mo, senior sa’yo.”

“Hindi ko sinabing matanda na si Edu, linawin natin ‘yan. In fact, habang nagkaka-edad si Edu Manzano, lalo siyang sumasarap kasi iniingatan niya ‘yung sarili niya. He’s very healthy and talagang lagi siyang ano, ‘yung parang naka-porma siya. At hindi siya papahuli! KaNgayong Sabado, June 3, ay simula na ng two-part special pilot episode ng mas pinabongga at pak na pak na Celebrity Bluff. Maki-fact or bluff na, mga Kapuso! y Alden (Richards), hindi papahuli,” patuloy niya.

Ngayong Sabado, June 3, ay simula na ng two-part special pilot episode ng mas pinabongga at pak na pak na Celebrity Bluff. Maki-fact or bluff na, mga Kapuso!