TV

Manilyn Reynes joins 'Abot-Kamay Na Pangarap' as its newest celebrity guest

By EJ Chua

May bagong karakter na tampok ngayon sa patuloy na nangungunang drama series sa GMA na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ang bagong karakter sa serye ay si Melba na ginagampanan ng aktres na si Manilyn Reynes.

Sa episode na ipinalabas nito lamang Martes, September 5, napanood na ang ilang naunang eksena ni Manilyn bilang si Melba.

Kasalukuyan siyang napapanood sa serye bilang isa sa mga pasyente ni Dra. Katie Enriquez (Che Cosio).

Sa ilang mga eksena, natunghayan na tulala si Melba habang ito ay nasa Eastridge Medical Hospital.

Nakita siya ni Tyang Susan (Dexter Doria) at natandaan niyang kapitbahay niya si Melba.

Ayon kay Tyang Susan, mayroong asawa noon si Melba ngunit hiniwalayan nito ang huli.

Dagdag pa niya, mayroon daw itong anak ngunit kinuha ito sa kanya ng kanyang asawa.

Kasunod nito, sinabi ni Tyang Susan na hindi raw siya sigurado tungkol sa istorya ng buhay ni Melba ngunit ang mga nabanggit lang ang kanyang nabalitaan noon tungkol sa huli.

Abangan kung ano ang mangyayari sa karakter ni Manilyn sa serye.

Bukod kay Manilyn, ilan pang mga aktor ang napanood na rin bilang guests sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Miyerkules, September 6:

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: