TV

Manilyn Reynes, nakatanggap ng papuri mula sa viewers ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua

Kamakailan lang, sinorpresa ng kilalang aktres na si Manilyn Reynes ang kanyang fans nang mapabilang siya sa GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Napapanood ngayon si Manilyn sa serye bilang si Aling Melba, ang pasyente ni Dra. Katie (Che Cosio) sa Eastridge Medical Hospital.

Sa mga nakaraang episodes natunghayan ang kwento ng buhay ni Melba.

Ayon sa kuwento ni Tyang Susan, si Melba ay hiniwalayan ng kanyang asawa at tinangay pa nito ang kanilang anak.

Sa mga sumunod pang episodes, napanood na hindi na maayos ang pag-iisip ni Melba kaya sinubukan niyang ikulong sa kanyang bahay si Zoey (Kazel Kinouchi).

Nang makatakas si Zoey sa tulong ni Doc Analyn (Jillian Ward), ang huli naman ay inakala ni Melba na kanyang anak.

Isang gabi bigla na lamang nagkagulo nang madiskubre ni Tyang Susan na si Melba ang dahilan ng biglaang pagkawala ng kanyang apo na si Analyn.

Labis na napahanga ng bagong celebrity guest ang viewers ng serye sa ipinakita niyang husay sa pag-arte bilang si Melba.

Ayon sa ilang netizens, wala raw kupas ang husay ng aktres pagdating sa pag-arte.

Panoorin sa video ang ilang eksena ni Manilyn sa serye:

Abangan pa ang kung ano ang mga mangyayari kay Melba.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/?amp