TV

Abot-Kamay Na Pangarap: RJ, may pakiusap kay Lyneth

By EJ Chua

Mapupuno pa ng exciting scenes ang susunod na episodes ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Bago ang kasalang Lyneth-Carlos (Carmina Villarroel at Allen Dizon), magkikita sina Lyneth at RJ (Richard Yap).

Ngayong Huwebes, November 9, matutunghayan na kakausapin ni RJ si Lyneth para sa isang seryosong bagay.

Makikiusap siya kay Lyneth na kung sakali man na may nararamdaman pa ang huli para sa kanya ay huwag siyang magdalawang isip na makipagkita sa mismong araw ng kasal nila ni Carlos.

Darating kaya si Lyneth sa tagpuan nila ni RJ?

Bukod dito, kaabang-abang din ang pagbibigay ni Analyn (Jillian Ward) ng kanyang blessing para kay Doc Carlos at sa kanyang ina na si Lyneth.

Matapos ang ilang beses na pagdududa, tila handa si Analyn na tanggapin si Carlos bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ano kaya ang mga mangyayari sa araw ng kasal nina Lyneth at Carlos?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: