TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Araw na ng kasal nina Lyneth at Carlos

By EJ Chua

The wait is over dahil magaganap na ang isa mga big event sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong Biyernes, November 10, mapapanood na ang kasalang Lyneth at Carlos, ang mga karakter nina Carmina Villarroel at Allen Dizon sa serye.

Dadalo sa wedding si Doc Analyn, ang karakter naman ni Jillian Ward sa naturang programa.

Imbitado rin sa event sina Lolo Pepe (Leo Martinez), Madam Giselle (Dina Bonnevie), Doc Katie (Che Cosio), Reagan (Jeff Moses), Harry (Raheel Bhyria), at marami pang iba.

Pupunta rin sa event ang ilan pang mga tao na labis na mahalaga para kay Lyneth.

Kabilang na rito sina Michael (Dominic Ochoa), Tyang Susan (Dexter Doria), at si Josa (Wima Doesnt).

Imbitado rin sa wedding ang ilang kaibigan ni Doc Analyn.

Bukod sa mga nabanggit, hindi pwedeng mawala ang mga ikakasal na sina Lyneth at Carlos.

Sisipot kaya si Lyneth sa wedding? O pupuntahan niya si Doc RJ (Richard Yap) sa kanilang tagpuan?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: