TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Carlos and Lyneth's honeymoon

By EJ Chua

Matapos ang engrandeng wedding, sunud-sunod na mga eksena pa nina Lyneth at Carlos (Carmina Villarroel and Allen Dizon) ang matutunghayan sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Napuno man ng kaba noong una, masaya na ngayon si Carlos na natuloy ang kasal nila ni Lyneth.

Ngayong Martes, honeymoon na nila at mayroong pakiusap ang doktor sa kanyang lovely wife.

Pakiusap ni Carlos kay Lyneth na sana raw ay huwag na huwag na niyang maririnig muli ang pangalan ni Doc RJ (Richard Yap).

Gusto ng una na magsimula ang kanilang pagsasama ng maayos at maging masaya.

Matupad kaya ni Lyneth ang kahilingan ng kanyang asawa?

Kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa serye.

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: