Isa nang ganap na dalaga ang Sparkle star na si Jillian Ward.
Nito lamang February 25, sa Cove Manila Indoor Beach Club, Okada Manila, idinaos ang isa sa pinakamaningning na gabi para kay Jillian.
Ang engrandeng debut niya ay dinaluhan ng daan-daang guests, kabilang na rito ang kaniyang mga kaanak at mga kaibigan sa showbiz. Spotted din sa event ang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars ni Jillian tulad na lamang ni Carmina Villarroel at Jeff Moses.
Silipin ang ilan sa kanilang mga larawan sa gallery na ito.
Present sa 18th birthday party ni Jillian Ward ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' actresses na sina Carmina Villarroel and Wilma Doesnt.
Magkakasunod na dumating sa event ang ilang 'Abot-Kamay Na Pangarap' co-stars ni Jillian Ward na sina (mula sa kaliwa) Jeff Moses, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Che Cosio, Chuckie Dreyfus, at John Vic De Guzman.
Kabilang sa 18 candles ang gumaganap na nanay ni Jillian Ward sa 'Abot-Kamay na Pangarap' na si Carmina Villarroel (Lyneth).
Nakatanggap si Jillian Ward ng birthday message at wish mula sa gumaganap na kapatid niya sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' na si Kazel Kinouchi (Zoey).
Pangalawa sa listahan ng 18 roses ang tumatayong tatay ni Jillian Ward sa serye na si Dominic Ochoa (Michael).
Parte rin ng 18 roses ang ka-loveteam ni Jillian Ward sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' na si Jeff Moses (Reagan).
Nagdala ng kilig vibes si Jeff Moses nang isayaw na niya si Jillian Ward on stage.
Si Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) ay naging parte rin ng 18 candles ni Jillian Ward.
Kasama rin sa listahan ng 18 candles ni Jillian Ward ang seasoned actress na si Pinky Amador (Moira).
Spotted din sa engrandeng debut ni Jillian Ward ang content creator at real-life doctor na si Dr. Kilimanguru, na napanood bilang guest actor sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Ang matagal nang kaibigan ni Jillian Ward sa show business na si Eunice Lagusad (Nurse Karen) ay kabilang sa listahan ng 18 shots.
Ang ilang cast ng serye, nagkulitan pa habang sila ay iniinterview tungkol sa star-studded party ni Jillian Ward. Makikita sa larawang ito (mula sa kaliwa) sina Jeff Moses, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Che Cosio, Chuckie Dreyfus, and John Vic De Guzman
Sina Alchris Galura at Jeff Moses ang ilan sa gumaganap na kaibigan ni Jillian Ward sa hit GMA inspirational-medical series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Kabilang din sa 18 shots ni Jillian Ward ang athlete-turned-actor na si John Vic De Guzman, na napapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' bilang si Doc Ken Prado.