TV

Veteran actress Dexter Doria joins renowned cast of 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua

Sa pinakabagong inspirational drama series na Abot Kamay Na Pangarap, isa ang karakter ng veteran actress na si Dexter Doria sa mga dapat abangan ng mga manonood.

Iba't ibang karakter na ang ginampanan ni Dexter na talaga namang nagpagigil at nagpaiyak sa napakaraming viewers.

Sa mahigit 100 shows na kaniyang kinabilangan, hindi maikakaila ang husay niya sa pag-arte sa kahit anong proyektong ibinibigay sa kaniya.

Noong 2014 at 2015, nakilala si Dexter sa mababait niyang roles sa GMA drama series na Hiram na Alaala at Pari 'Koy.

Sa kaniyang bagong proyekto na Abot Kamay Na Pangarap, muli niyang gagampanan ang isa na namang karakter na may masamang pag-uugali.

Mapapanood siya sa serye bilang si Susan, ang salbahe at abusadong stepmother ni Lyneth Santos, ang karakter na gagampanan ni Carmina Villarroel.

Siya rin ang salbaheng lola ng matalinong bata na si Analyn (Jillian Ward).

Si Susan (Dexter Doria) nga ba ang isa sa labis na magpapahirap sa buhay ng mag-inang sina Lyneth at Analyn?

Abangan ang Abot Kamay Na Pangarap, ngayong Setyembre na, sa GMA Afternoon Prime!

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: