TV

'Abot Kamay Na Pangarap' star Jillian Ward shares advice to people who work hard pursuing their dreams

By EJ Chua

Sa nalalapit na pagpapalabas ng bagong drama series na Abot Kamay Na Pangarap, isang payo ang ibinahagi ni Jillian Ward para sa kapwa niya kabataan na patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga pangarap.

Payo ni Jillian, “Work hard with good intentions, appreciate small moments sa workplace n'yo. Hindi lang po basta 'yung maiipon na money but also 'yung experiences."

"Work hard for it, dahil worth it po 'yan lahat,” dagdag pa ng young Kapuso actress.

Sa mga naunang panayam ng GMANetwork.com kay Jillian, una niyang ibinahagi na ilan sa kaniyang goals bilang isang aktres ay ang makapagpasaya at maka-inspire ng maraming tao sa pamamagitan ng roles na kaniyang ginagampanan.

Mapapanood si Jillian sa Abot Kamay Na Pangarap bilang si Analyn Santos, ang genius na anak ni Lyneth, ang karakter na gagampanan ni Carmina Villarroel.

Anu-ano kaya ang gagawin ni Analyn upang maabot ang kaniyang pangarap na maging isang doktor?

Subaybayan ang kaniyang kuwento sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood na sa ika-5 ng Setyembre, sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: