TV

Carmina Villarroel, 'most generous' daw sa set ng 'Abot Kamay Na Pangarap?'

By EJ Chua

Sa katatapos lang na online media conference ng Abot Kamay Na Pangarap, ibinahagi ni Direk LA Madridejos na masaya siya na mabigyan ng napakagandang casting para sa bagong Kapuso serye.

Bukod dito, ibinunyag din ni Direk LA kung sino ang 'most generous' sa set ng pinakaaabangang afternoon drama series.

Pagbabahagi niya, “Nakakatuwa… kasi ang ganda ng cast… nakaka-excite rin na mayroong mga bagong dating sa GMA… Pinaka-generous ay si Ms. Carmina [Villarroel], naku… sobra. Hindi ko alam kung paano name-maintain ni Mina na payat siya pero lagi siyang may pagkain, siguro 'yung mga nasa paligid niya 'yung pinapataba niya.”

Kasunod nito, inilahad din ng Abot Kamay Na Pangarap director kung ano ang ilan sa mga dapat abangan ng mga manonood sa bagong programa.

“Abangan n'yo 'yung tandem nina Wilma [Doesnt] at Kuya Ariel [Villasanta].

Napaka-exciting din nung bagong Jillian na makikita nila…”

Mapapanood sina Carmina at Jillian Ward bilang sina Lyneth at Analyn, ang mag-inang gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang tulungan ang isa't isa sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap.

Samantala, sina Wilma at Ariel naman ay makikilala sa serye bilang sina Josa at Cromwell, ang mag-asawang mamahalin sina Lyneth at Analyn na parang tunay nilang mga kapamilya.

Abangan ang Abot Kamay Na Pangarap, magsisimula na sa September 5, sa GMA Afternoon Prime.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: