TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Dra. Analyn meets Aling Susan again

By EJ Chua

Sa katatapos lang na episode ng Abot-Kamay Na Pangarap napanood ang pagbabalik ni Aling Susan (Dexter Doria), ang salbaheng madrasta ni Lyneth (Carmina Villarroel) at lola ni Dra. Analyn (Jillian Ward).

Matapos ang car accident na kinasangkutan ni Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) at ni Aling Susan, nagpasya ang doktor na dalhin agad sa APEX Medical Hospital ang matandang nabundol niya.

Nang makarating na ito sa ospital, si Dra. Analyn ang pinag-asikaso rito at laking gulat niya nang makita niyang ang kaniyang lola ang pasyente.

Dahil sa kaniyang nadatnan, nanumbalik ang mapapait na mga alaala niya sa kaniyang lola. Tila sariwa pa rin sa isip ni Dra. Analyn ang pang-aabuso, pananakit, at panlolokong ginawa nito sa kanila ng kaniyang ina na si Lyneth.

Kakayanin ba ni Analyn na siya ang gumamot sa pasyente?

Handa na ba siyang magpatawad?

Nagbago na kaya si Aling Susan?

Abangan ang kasagutan sa susunod pang episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap!

Panoorin ang eksenang ito:

Patuloy na subaybayan ang programa, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: