TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' reaches 1 billion views on TikTok!

By EJ Chua

Sa loob lamang ng halos tatlong buwan, mayroon nang 1 billion views ang GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap sa TikTok!

Nito lamang Biyernes, December 2, pumalo sa mahigit isang bilyon ang overall views ng serye sa naturang video-sharing application.

Isa na naman itong patunay na ang Abot-Kamay Na Pangarap ay ang No. 1 GMA show online.

Kabilang sa videos ng serye na patuloy na nagte-trending sa TikTok ay ang eksena kung saan pinag-carwash ni Dra. Katie Enriquez ang junior resident na si Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) at tinulungan ito ni Dra. Analyn (Jillian Ward).

Sa kasalukuyan, mayroon nang 6 million views ang nasabing video.

@gmanetwork Episode 53 | Bangayan kayo nang bangayan, ayaw tag team kayo mag-carwash! #abotkamaynapangarap #jillianward ♬ original sound - GMA Network

Patuloy ding humahakot ng million views sa TikTok ang ilang eksena sa katatapos na beauty pageant sa APEX Medical Hospital, ang Miss APEX 2022.

@gmanetwork Episode 71 | Kaninong sagot ang bet nyo? 😁 #abotkamaynapangarap ♬ original sound - GMA Network

Napapanood bilang mga bida sa ongoing hit GMA afternoon series ang Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward, ang gumaganap bilang mag-ina na sina Lyneth at Analyn.

Bukod kina Carmina at Jillian, napapanood din sa programa ang mga aktor na sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Wilma Doesnt, Andre Paras, Che Cosio, Chuckie Dreyfus, Ariel Villasanta, veteran actress na si Dexter Doria, at marami pang iba.

Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG BUONG CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP AT ANG KANILANG ROLES SA SERYE SA GALLERY SA IBABA: