TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Reagan, sweet na sweet na isinayaw si Analyn sa kaniyang birthday party

By EJ Chua

Sa trending na GMA inspirational-medical series na Abot-Kamay Na Pangarap, isang nakakakilig na sweet moment ang natunghayan sa mismong birthday party ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Sa kalagitnaan ng party, isa sa mga nagsayaw kay Analyn ay ang kaniyang kaibigan na si Reagan Tibayan (Jeff Moses), na dating janitor sa APEX Medical Hospital.

Nang tawagin na si Reagan bilang kasunod ni Doc RJ (Richard Yap) na magsasayaw kasama si Analyn, tinanong siya ng APEX medical director kung nanliligaw ba siya sa batang doktor.

Pabiro naman itong sinagot ni Reagan na si Analyn daw ang nanliligaw sa kaniya.

Nang magsimula nang isayaw ng binata ang celebrant, kinumusta niya ito at sinabi ni Analyn na hindi siya mapakali dahil sa isyu nina Zoey (Kazel Kinouchi) at Luke (Andre Paras).

Dahil gusto ni Reagan na makalimutan ni Analyn nang panandalian ang iniisip nitong problema, pinatawa niya ito at kakaibang dance moves ang kaniyang ginawa para mapasaya ang dalaga.

Habang pinapanood ang dalawa, kilig na kilig ang APEX doctors at nurses at ilan pa sa mga bisita dahil sa sweetness at chemistry nilang dalawa.

Samantala, habang nag-e-enjoy ang lahat, si Luke naman ay tila nakaramdam ng labis na pagseselos sa kaniyang nakita.

Panoorin ang eksenang ito:

May pag-asa kaya si Reagan kay Analyn? Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya:

Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap mapapanood mamayang 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream. Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG BIRTHDAY PARTY NI ANALYN SANTOS SA GALLERY SA IBABA: