TV

Karakter ni Dina Bonnevie sa Abot-Kamay Na Pangarap, pinag-uusapan

By EJ Chua

Sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, nakilala na ng mga manonood ang bagong karakter sa serye na si Giselle Tanyag, ang kapatid ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Ang karakter ni Giselle ay ginagampanan ng veteran actress na si Dina Bonnevie, kung saan napapanood siya ngayong bilang bagong CEO ng APEX Medical Hospital.

Sa teasers na ipinalabas kamakailan, ipinasilip na malapit kay Lolo Pepe (Leo Martinez) ang babaeng bagong magiging CEO ng ospital.

Kasunod nito, opisyal na siyang ipinakilala ng kanyang ama na si Mang Joselito/Lolo Pepe sa lahat ng empleyado ng APEX.

Labis na nagulat ang lahat sa pagdating ni Giselle kabilang na ang anak ni Doc RJ na si Analyn (Jillian Ward).

Samantala, sa pagpasok ni Dina Bonnevie sa serye, naging usap-usapan na sa social media kung ano ang magiging role niya sa buhay ng batang doktor na si Analyn.

Ang ilang viewers at netizens, nagre-request na sana raw ay mabait ang kanyang karakter at huwag niyang apihin si Analyn gaya ng ginagawa nila Moira (Pinky Amador), Zoey (Kazel Kinouchi), at pati na rin si Lolo Pepe.

Panoorin ang eksenang ito:

Magiging maayos kaya ang trato ni Giselle kay Analyn?

Ano kaya ang magiging ambag niya sa buhay ng young at genius doctor?

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: