TV

Archie Alemania, napapanood sa hit GMA series na 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua

Sa pagpapatuloy ng kwento ng trending series na Abot-Kamay Na Pangarap, isang bagong karakter ang nakilala ng mga manonood.

Sa episode ng serye na ipinalabas ngayong Huwebes, March 23, 2023, napanood ang comedian-actor na si Archie Alemania bilang si Lando, isang lalaki na namatayan ng asawa dahil sa kapabayaan ng isang ospital.

Dahil walang nag asikaso noon sa kanyang asawa na nagdadalang-tao, binawian ito ng buhay sa loob mismo ng San Marcelino Hospital.

Kahit ilang beses na siyang nakiusap sa mga nurse roon, hindi man lang siya tinulungan ng mga ito na matingnan kung bakit sumasakit na ang tiyan ng kanyang asawa kahit hindi pa niya kabuwanan.

Matapos ang nangyari sa kanyang asawa, bumalik siya sa San Marcelino Hospital upang maghiganti.

Nang magtungo siya sa ospital, nakabanggaan niya pa ang lola ni Analyn (Jillian Ward) na si Aling Susan (Dexter Doria), na saktong noong araw na iyon ay maga-apply ng trabaho sa parehong lugar.

Nalaglag pa ang kanyang bag na isang bomba pala ang laman.

Sa loob ng isang comfort room, isinet up ni Lando ang dala niyang bomba at habang inaasikaso ang gagawing paghihiganti, naalala niya ang nangyari sa kanyang asawa.

Habang iniisip ang sinapit ng kanyang asawa, ito ang kaniyang sinabi, “Ito na ang oras. Sa paniningil ko sa ospital na ito, maipaghihiganti na kita at ang anak natin… Edna, para sa'yo 'to. Magbabayad kayong lahat ngayon, dahil sa inyo namatay ang asawa't anak ko."

Dagdag pa niya, "Ngayon malalaman n'yo na ang buhay ng mayaman at mahirap ay pareho lang. Goodbye San Marcelino, magkita-kita tayong lahat sa impyerno."

Panoorin ang eksenang ito:

Samantala, bukod kay Archie, kasalukuyan ding napapanood bilang guest actors sa serye sina Gabby Eigenmann, Jamir Zabarte, at ang veteran actress na si Dina Bonnevie.

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: