TV

Viral Pinoy student na si Carl Montecido, masayang naka-duet ang kanyang co-Clashers

By Jansen Ramos

Naka-duet ng viral Pinoy student na si Carl Montecido ang kanyang The Clash family sa All-Out Sundays ngayong February 16.

Carl Montecido

IN PHOTOS: Trending blind singer Carl Montecido

Kabilang sa kanyang nakasama on-stage ang The Clash season two grand champion na si Jeremiah Tiangco at The Clash season two finalist na si Nef Medina, at maging ang The Clash season one finalists na sina Jong Madaliday at Garrett Bolden. Inawit nila ang hit single ni Sam Smith na "Too Good At Goodbyes" kung saan sumikat si Carl.

International singers Sam Smith and Kelly Clarkson react to viral Pinoy student's cover of "Too Good at Goodbyes"

Bahagi ni Carl sa exclusive interview ng GMANetwork.com, "'Yung mga kasama ko po kanina 'yung mga kapwa Clashers ko nitong [nakaraang] season. Nagulat nga po ako na kasabay ko sila. Actually, no'ng in-update ako kagabi, sobrang tuwa ko na magkakaroon kami ng duet, magkakasama kami ulit."

Bukod sa The Clash graduates, nakasama rin ni Carl sa kanyang All-Out Sundays number ang The Clash hosts na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, at Rita Daniela, at ang kanyang idolo na si Christian Bautista.

Sambit ni Carl, "Actually, dream come true na e. Ando'n na si idol kanina e, si Christian. So far, okay na. Napakabait po niya, napaka-maasikaso po niya sa personal. On-cam to off-cam, totoong tao talaga siya."

Nang tanungin namin kung minsa'y na-offend siya sa mga komento ng Asia's Balladeer noong kanyang The Clash days, sagot niya, "Ay, hindi naman. Kumbaga, on point talaga siya. Hindi siya magpapaliguy-ligoy na sabihin sa 'yo na 'pangit ka dito, may flat ka dito, ayusin mo 'to.' Mas mabuti 'yon sa isang singer kasi makakatulong 'yon sa 'yo."

Bukod sa All-Out Sundays, magkakaroon din ng guest appearance si Carl sa Unang Hirit sa Lunes, February 17, at sa Mars Pa More na i-shu-shoot nila sa Martes, February 18.

EXCLUSIVE: Viral student Carl Montecido, naghahanda na para sa 'The Ellen DeGeneres Show'

Nicole Scherzinger, Niall Horan, at iba pang international artists, hanga rin kay Carl Montecido

WATCH: Ex-The Clash finalist Carl Montecido, nagpasalamat sa uploader ng kanyang viral video

Visually-impaired na si Carl Montecido, alay ang talento sa Panginoon