TV

'Alyas Robin Hood,' magkakaroon ng book 2?

By CHERRY SUN

Matapos ang matagumpay na takbo ng Alyas Robin Hood, magkakaroon nga ba ito ng ikalawang yugto?

Nagpahayag ng mensahe ang ilang artista tungkol sa pagtatapos ng Kapuso drama-action series. Mapapansing sa dulo ng kanilang post ay tila mayroon silang pahiwatig.

Ani Michael Flores, “Napakaswerte ko at napasama ako sa show na ‘to. Swabe lahat! From the actors, directors, staff and crew! Saludo ako sa inyong lahat! Will surely miss working with everyone.. Sa uulitin.. Book 2? Hehe.. mahal ko kayo.”

 

Bahagi naman ni Paolo Contis, “The calm after the storm. After months of working, tapos na ang misyon namin ni #AlyasRobinHood and as usual, it’s been a pleasure working with you my friend @dongdantes. Hanggang sa susunod nating misyon? For now, enjoyin muna natin ang katahimikian. #SEAyouSOoN2 #AcostaSigningOff.”

 

 

At talagang inaantabayanan ng netizens ang pagbabalik ng Alyas Robin Hood dahil sa hindi inaasahang ending ng naturang palabas.

 


 

Muli ba nating mapapanood si Alyas Robin Hood? Tutok lang sa GMANetwork.com!

MORE ON ALYAS ROBIN HOOD:

Paolo Contis to Sid Lucero: "Galing mong kontrabida eh! Ni minsan hindi ka tinamaan ng bala ko"

WATCH: Dingdong Dantes, nagbigay pugay sa mga stuntmen ng Alyas Robin Hood 

WATCH: Andrea Torres, aminadong magkakaroon ng separation anxiety sa kanyang role sa Alyas Robin Hood