TV

'Ang Dalawang Mrs. Real' cast to Millet: 'Huwag mawalan ng pag-asa'

By MICHELLE CALIGAN



Kahit sinong babae ay hindi gugustuhing mapunta sa sitwasyon ni Millet (Maricel Soriano) sa Ang Dalawang Mrs. Real. Mula nang malaman niya ang tungkol sa pangalawang Mrs. Real na si Shiela (Lovi Poe) at anak nitong si Bubot ay unti-unti nang gumuho ang magandang samahan nila ng asawa niyang si Anthony (Dingdong Dantes).

Ngayong nahaharap sa kasong bigamy si Anthony at posible pa itong makulong, may mga payong ibinigay ang cast ng programa kay Millet at kung paano niya malalagpasan ang problemang ito.?

?Dingdong Dantes: ?"Huwag silang mawawalan ng pag-asa dahil hangga't may pagmamahal ay mayroon pa ring posibilidad na maayos ang lahat."

?Lovi Poe: ?"Kapag gusto niya pa ring mahalin si Anthony, kailangan niyang tanggapin si Bubot at 'yung nangyari sa amin. Siguro it will take time. Ang dami na sa ating mga babae na nasaktan na noon, at mahirap talagang tanggapin kasi lagi mo nang makikita ang mukha ng babae na nakasama niya."

?Jaime Fabregas: ?"Kailangan luwagan mo na 'yung utak mo para makita mo 'yung kabuoan ng sitwasyon na 'yun. 'Yung puso hindi masyado, kasi halata naman na mahal niya si Anthony. If you want to stay with Anthony, if you want to keep that relationship alive because of Tonton, luwagan mo ang pag-iisip mo. Kapag hindi mo kaya, iwanan mo kasi mahirap mabuhay na araw-araw nakasimangot."

?Alessandra de Rossi: "Siya yata ang may pinakamasakit na pinagdadaanan. Definitely kaya namang magpatawad kasi tao naman tayo, dapat marunong tayo magpatawad. I'll get there kapag may asawa na ako, huwag lang niya sana akong lokohin."

?Dominic Roco: "I would advise her to fight for her love. Since she is the first wife, she has all the right to do that."

Huwag palampasin ang huling linggo ng Ang Dalawang Mrs. Real, after My Destiny on GMA Telebabad.