TV

Ang Dalawang Mrs. Real: Nahuli ni Shiela na may asawa na si Anthony

By Bianca Geli

Sa nakaraang mga tagpo ng Ang Dalawang Mrs. Real, hindi lubos matanggap ni Shiela (Lovi Poe) ang natuklasan niya na may asawa pala sa Maynila si Anthony (Dingdong Dantes).

Luluwas papuntang Maynila si Shiela para makahanap ng maayos na kasagutan sa mga tanong niya kay Anthony. Mag-ku-krus ang landas nila ni Sandy (Alessandra de Rossi) sa pagpunta ni Shiela sa Maynila at dito siya makakakuha ng payo sa dapat gawin sa kanyang sitwasyon.

Hahanapin ni Shiela si Millet (Maricel Soriano) sa kagustuhan niyang aminin ang namamagitan sa kanila ni Anthony at ayusin ang lahat. Magawa niya kayang umamin kay Millet na dalawa na silang Mrs. Real?

Balikan ang maiinit na eksena ng Ang Dalawang Mrs. Real: