GMA Logo Zoren Legaspi in Apoy sa Langit
What's on TV

Zoren Legaspi, nagpapasalamat sa mataas na ratings at views online ng 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published June 27, 2022 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi in Apoy sa Langit


Ayon kay Zoren Legaspi: "Marami pa mangyayari na kaabang-abang."

Puno ng pasasalamat si Zoren Legaspi sa mga patuloy na tumututok ng Apoy sa Langit.

Sa naturang afternoon serye, gumaganap si Zoren bilang Cesar.

Photo source: Apoy sa Langit

Saad ni Zoren sa kaniyang Instagram post ang pasasalamat sa mga nanonood ng episodes ng Apoy sa Langit sa TV at online. Dahil sa pagtutok ng mga Kapuso viewers, patuloy na nakakuha ng mataas na ratings ang programa at mataas na views online.

Ani Zoren, "Good Morning. Gusto ko lang po magpasalamat sa inyo sa pag supporta ng Apoy sa Langit. Its breaking records in terms of TV ratings and on line views."

Hangad din ni Zoren ang patuloy na pagsuporta at pasubaybay ng mga manonood sa Apoy sa Langit dahil sa mga susunod na mga eksena na kanilang ipalalabas.

"Marami pa mangyayari na kaabang abang. Salamat po muli sa inyo ❤️❤️❤️"

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

Ipinakita ni Zoren sa isang pang post ang kaniyang pag-celebrate sa mataas na rating ng Apoy sa Langit.

Saad niya, "celebrating Apoy sa langit rating…Salamat po 😎😎😎 dami pang ma gaganap at ka abang abang 😵😵😵

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

Nakita naman sa comments na biniro si Zoren ng kaniyang anak na si Mavy Legaspi. Saad ni Mavy sa video ng ama, "kaya pala ang taas ng ratings!!!"

"yez Sir 😆😆😆" sagot naman ni Zoren.

Zoren Legaspi as Cesar in Apoy sa Langit

Photo source: Instagram

Abangan ang mga susunod na mga mangyayari sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon prime series online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.