
Kinagigiliwan ngayon sa Facebook ang parody video ng trending scene nina Rhian Ramos at Kris Bernal sa Artikulo 247.
Gawa ito ng 23-year old student mula sa Oriental Mindoro na si Joshua Chavez o mas kilala sa social media bilang si Joey Chavez Avelino Cruez.
Ang napiling gayahin ni Joey ay ang viral first encounter scene nina Rhian bilang si Jane Ortega at ni Kris Bernal bilang si Klaire Almazan sa nasabing series.
Sa parody video, ginaya ni Joey si Klaire, na nakasuot ng all black sexy outfit habang sinisigawan si Jane.
Panoorin ang nakatutuwang parody video dito:
Ginawa ni Joey na mas relatable sa mga tao ang kanyang video sa pamamagitan ng pagbanggait sa mga napapanahong isyu ngayon sa bansa gaya ng pagtaas ng presyo ng gasolina at pagkalat ng fake news.
Ayon pa sa estudyante, fan daw talaga siya ng mga drama sa GMA at nagalingan din siya sa cast ng Artikulo 247.
"Opo talaga po fan na fan ako ng GMA drama lalo na po ng Artikulo 247 dahil sa ang galing po ng cast," pagbabahagi ni Joey sa GMANetwork.com.
Ang outfit niya sa parody video ay hindi raw talaga damit kung 'di isang kurtina na inayos niya lang upang makuha ang style ni Klaire.
Aniya, "Kurtina Lang po ang ginamit ko na black 'yun lang po 'yung available na meron ako."
Nasa mahigit isang oras daw ang ginugol ni Joey para i-shoot ang video at umabot sa limang oras ang kanyang naging video editing.
Kuwento niya, "Ako lang din po ang nag-edit at wala din naman po ako photographer [o videographer]. Ako lang po lahat. One hour po 'yung shoot five hours po 'yung editing. Mahirap po kasi mag-edit no'n kailangan po talaga parang nasa scene ka."
Panoorin ang naging unang pagkikita nina Jane at Klaire sa Artikulo 247 na ginawan ng parody ni Joey, DITO:
Bukod kay Joey, isang netizen din mula sa Cebu City na si Irene Espares Ymbong ang gumaya sa kontrabida look ni Kris bilang si Klaire.
Matatandaan naman na umani ng mataas na ratings ang pilot week ng nasabing series at laging pinag-uusapan online.
Patuloy na tutukan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, tuwing 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.