TV

Benjamin Alves, Kris Bernal nagpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa 'Artikulo 247'

By Jimboy Napoles

Nagpapasalamat ang Kapuso stars na sina Kris Bernal at Benjamin Alves sa lahat ng mga manonood na sumubaybay sa katatapos lang GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.

Gumanap dito si Benjamin bilang si Noah Borromeo na isa sa mga bida ng serye, habang gumanap naman si Kris bilang kontrabida na si Klaire Almazan at Carmen Villarama.

Sa Instagram, ipinost ni Kris ang ilan sa mga larawan niya habang nasa set ng nasabing serye casama ang production crew at cast. Kalakip nito ang mensahe ng pasasalamat ni Kris sa kanyang mga nakatrabaho at tumangkilik sa kanilang pinaghirapang programa.

Aniya, "Today is the finale episode of #Artikulo247. Time flies. This was my longest lock-in taping, and it felt more like a workcation because, despite the challenges in tapings, I had developed genuine relationships.

"Thank you to the entire show's crew, whose ethics, discipline, and commitment are unquestionable. You have provided me with a wealth of memories and lessons to relive. Heartfelt congratulations, team #Artikulo247 and I wish everyone bigger and better things ahead."

Nagpasalamat din si Kris sa GMA Network sa muling pagkilala sa kanyang kakayahan bilang aktres.

"Thank you, GMA Network, for once again recognizing my skills and abilities by offering me this role," ani Kris.


Sa hiwalay na post, masaya ring nagpaalam si Benjamin sa kanyang karakter na si Noah sa pinagbidahang serye.

"It was great getting to know you, Noah. Until we meet again.Cheers to the whole cast and production. Thanks for the ride, Artikulo 247," ani Noah.

Matatandaan na nagsulat si Benjamin ng kanyang sariling script bilang si Noah sa ilang eksena sa nasabing serye habang naging viral naman si Kris dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang full-time kontrabida na si Klaire.

Samantala, balikan ang naging showbiz journey ni Kris, sa gallery na ito.