TV

LOOK: Jason Abalos posts his transgender look

By Bianca Geli

Handang-handa na mapanood si Jason Abalos bilang si Nathan, isang lalaking may lihim na pusong babae sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Kuwento ni Jason sa naganap na media conference para sa Asawa Ko, Karibal Ko, hirap daw siya sa sa kaniyang karakter.

“Nahirapan ako kasi siyempre 'yung puso ng lalaki kabisado ko na 'yan eh. Pero 'yung puso ng babae ang hirap gawin, hindi mo alam kung paano mo gagawin 'yung emosyon nila. May mga ibang babae na mabilis magtampo.”

Dagdag niya, “Tayo naman bilang artista nandoon tayo sa masaya tayo na nacha-challenge tayo.”

Mapapanood din daw sa Asawa Ko, Karibal Ko ang unang male kissing scene ni Jason sa isang eksena kasama si Matthias Rhoads.

Jason Abalos at Matthias Rhoads, may kissing scene sa 'Asawa Ko, Karibal Ko?'

Kuwento ni Jason, “Meron [kaming kissing scene], so abangan niyo yan.”

Panoorin ang Asawa Ko, Karibal Ko, ngayong hapon na pagkatapos ng Eat Bulaga!