TV

WATCH: Transformation ni Jessie sa 'Bihag,' higit 1M views na!

By Marah Ruiz

Talagang inabangan ang transformation ni Jessie, ang karakter ni Kapuso actress Max Collins sa GMA Afternoon Prime series na Bihag.

Mula sa pagiging simpleng misis na mahina ang loob, nagsimula na siyang isang palabang babae na babawiin ang lahat ng kinuha mula sa kanya.

Sinimulan niya ang kanyang transformation sa pagsusuot ng isang agaw-pansing silver mini dress at pagkompronta sa kabit ng kanyang mister.

Balikan ang trending na eksena ni Jessie dito:



Huwag bibitiw sa lalong nagbabagang mga eksena ng Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.


EXCLUSIVE: Transformation ng character ni Max Collins sa 'Bihag,' dapat abangan


Max Collins, humingi ng tawad kay Sophie Albert