TV

WATCH: Max Collins at Sophie Albert nagkapasa pagkatapos gawin ang catfight scene sa 'Bihag'

By Cara Emmeline Garcia

Parehong first time gumawa ng catfight scene ng Bihag stars na sina Max Collins at Sophie Albert para sa isang show at kamakailan ay nag-trending ito sa YouTube at lumikom ng mahigit 1.2Million views.

Max Collins and Sophie Albert

Bahagi ng dalawang aktres, sa mga ganitong pagkakataon na nagkakapisikilan sila on set ay hindi raw maiiwasan ang may masaktan.

Ayon kay Max na gumaganap bilang Jessie, “Nasusugatan po kami ng malupit but it's all fun.

“Actually nagkaroon si Sophie ng malaking malaking pasa sa likod sa mga fight scenes namin at ako ang dami kong pasa.

“But then go push pa rin! 'Sige sampalin mo lang ako,' sabi ko sa kaniya.”

Dagdag pa ni Sophie, na sa kabila ng mga sakitan at mga pasa ay hindi raw naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan sa set.

“Sabi nga ng handler namin, 'Sa lahat ng artistang magkaaway [ang characters] kayo 'yung sobrang close.'

“Kasi maayos 'yung relationship namin.”

Huwag bibitiw sa lalong nagbabagang mga eksena ng Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:


Pagpaligo ng suka at iba pang sawsawan sa 'Bihag,' patok sa mga netizens

WATCH: Transformation ni Jessie sa 'Bihag,' higit 1M views na!