TV

Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto, balik lock-in taping para sa 'Bolera'

Balik lock-in taping na ngayon sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Jaclyn Jose, at Joey Marquez para sa upcoming series na Bolera.

Puspusan na rin ang paghahanda ng buong team para sa nalalapit na pag-ere nito sa GMA.

Sa kabila ng pagiging abala, hindi pa rin nawawala ang tawanan at kulitan ng cast sa set.

Tulad na lamang ng TikTok video na ibinahagi ni Gardo kung saan kasama niyang sumasayaw sina Rayver, Joey, at Luri Vincent Nalus.

A post shared by gardo versoza ( CUPCAKE ) (@gardo_versoza)


Ipinakita rin ni Joey ang bonding niya kasama sina Gardo, Jak, at Vincent habang masayang nagkukuwentuhan.

Isang cute na clip naman nila ni Rayver ang ibinahagi ni Kylie sa kanyang mga followers sa Instagram.

Makakasama rin sa serye sina Al Tantay, David Remo, at Klea Pineda. Abangan ang Bolera soon sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actor Jak Roberto sa gallery na ito: