TV

Kylie Padilla congratulates billiards coaches Rubilen Amit and Johann Chua for winning gold medal in 2022 SEA Games

By Aimee Anoc

Proud at masaya si Kylie Padilla para sa nagsilbi niyang coaches sa billiards na sina Rubilen "Bingkay" Amit at Johann "Bad Koi" Chua matapos na kapwa manalo ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

"Sa mga coaches ko, coach Johann, coach Rubilen, congratulations po. I'm so proud na estudyante n'yo ako. Alam ko naman na kaya n'yo 'yan at mananalo kayo so hindi na ako nagulat," pabirong sabi ni Kylie. "Pero congrats pa rin. Congratulations sa gold n'yo."

Nasungkit kahapon ni Rubilen ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas para sa billiards nang muling depensahan ang titulo sa women's nine-ball singles.

Nakuha naman ni Johann ngayong araw ang una niyang gintong medalya sa SEA Games para sa men's nine-ball single matapos na talunin ang kapwa Filipino na si Carlo Biado.

Ayon kay Kylie, humanga siya sa dalawang billiards masters dahil kahit na abala sa training para sa SEA Games ay naglaan ng oras para sa bagong Kapuso serye na Bolera.

Aniya, "Parang nakalimutan ko kasi na ganoon sila kaastig, they're cool people. Kasi they became my friends. So ngayon, 'Oo nga' parang na-remind ako ulit na 'Oh my god astig pala 'tong mga ito talaga.' It's really cool to have friends like that.”

"I'm just so proud of them kasi nakita ko lalo na si Johann nagte-taping kami, nagte-training siya at the same time kasi pinaghahandaan niya 'yung laban n'ya. And tingnan n'yo nag-gold s'ya, I'm so proud of it," pagbabahagi ni Kylie.

Si Rubilen ang nagsilbing script consultant ng upcoming sports drama series habang si Johann naman ang naging tagapagsanay ni Kylie sa billiards.

Abangan ang world premiere ng Bolera sa May 30 sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang mga larawang kuha sa set ng Bolera kasama sina Rubilen Amit, Johann Chua, Francisco Bustamante, at Efren Reyes sa gallery na ito: