TV

Full trailer ng 'Bolera,' umabot na ng 1M views sa Facebook

By Aimee Anoc

Umabot na sa mahigit one million views ang 13-minute trailer ng Bolera sa official Facebook page ng GMA Drama na ipinalabas noong Martes, May 24.

Pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto ang pinakabagong sports drama series na ito ng GMA.

Sa trailer, mapapanood kung paanong nagsimulang mangarap si Joni (Kylie) na makilala sa male-dominated world ng billiards. Isa-isa ring ipinakilala ang mahuhusay at batikang mga aktor ng serye.

Panoorin ang full trailer ng Bolera rito:

Umani rin ng iba't ibang papuri mula sa netizens ang trailer ng Bolera kung saan anila ay mahusay ang "casting, cinematography, at story" ng sports series na ito.

Kasama rin sa Bolera sina Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Al Tantay, David Remo, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil, Julie Lee, at Luri Vincent Nalus.

Ang Bolera ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.

Abangan ang world premiere ng Bolera ngayong May 30, 8:50 p.m., pagkatapos ng 'First Lady.'

Samantala, tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: