TV

Ina Raymundo, masaya sa pagkakataon na mapasama sa 'Bolera'

By Aimee Anoc

Masaya si Ina Raymundo sa pagkakataon na makatrabaho si Kylie Padilla sa sports drama series na Bolera.

Magkakaroon ng espesyal na partisipasyon si Ina sa serye bilang si "White Lotus," isang billiards legend.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ina ang ilan sa mga larawang kuha sa set ng Bolera kung saan kasama niya sina Kylie at Direk Dominic Zapata.

"Played a 'badass' role as "White Lotus" airing tonight! It was fun working with you [Kylie Padilla] and of course, with Direk Dom and Direk [Joma Cosa]. Sayang, bitin!" sulat ng aktres.

Ngayon Huwebes, dapat abangan ng manonood kung magiging kakampi o kalaban ng ating Bolera si "White Lotus."

Subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: