
Kuhang kuha!
Ganito inilarawan ng celebrity chef at content creator na si Ninong Ry, Ryan Morales Reyes sa totoong bahay, ang panggagaya ng multi-awarded comedian na si Michael V. sa kanya bilang Ninong Cry.
Ipinasilip ni Ninong Ry sa kanyang mga inaanak sa Instagram na pinanood nila ang sketch na ito ni Direk Michael sa Bubble Gang last June 9.
Makikita rin sa comment section na nag-comment si Kuya Kim Atienza na sinabing, “Hahaha genius siya no?”
Tugon naman ng sikat na vlogger, “@kuyakim_atienza yes kuhang kuha!”
Source: ninongry (IG)
Ulit ulitin ang cooking vlog ni Ninong Cry (Michael V.) kung saan tinuruan niya ang netizens kung paano magluto ng Ginisang Ampalaya.
Bakit kaya matindi ang hugot niya? Alamin sa video below!
KILALANIN ANG COMEDY GENIUS NA SI DIREK BITOY DITO: