TV

'Bubble Gang' cast handa na bang bumalik sa studio para mag-taping?

By Aedrianne Acar

All systems go na para sa multi-awarded flagship comedy program ng GMA Network na Bubble Gang at nagsimula na sila ulit mag-shoot ng all-new episodes para sa mga darating na buwan.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay pinairal na enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso at kailangan tumigil ng taping at shoot ang mga show sa Kapuso Network para tumalima sa mga safety protocols ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Sa ginanap na online chikahan ng Bubble Gang stars na sina Paolo Contis, Archie Alemania, Sef Cadayona, Valeen Montenegro at Lovely Abella via video conference kasama ang entertainment press kahapon, August 17, ibinahagi ng mga ito ang dapat abangan sa all-new at fresh episode ng gag show na magsisimula this Friday night!

Ayon kay Paolo, matutuwa ang mga Kababol dahil halos bago lahat ang mapapanood nilang content sa Bubble Gang starting August 21 na kinunan ng cast sa kani-kanilang bahay.

“Mostly bago siya.We had to adjust also, especially for the August episodes shinoot namin siya last July, so we had to adjust also kung paano 'yung sitwasyon.

“Bago lahat 'to, but more than anything people will appreciate the effort na ginawa namin because we made sure na broadcast quality naman 'yung episodes na ginawa namin, regardless of shooting at home.” ani ni Paolo Contis na tinaguriang “pandemic star” ng press sa hit Netflix movie niya na 'Through Night and Day.'

Binigyan-diin ng seasoned comedian na sinigurado ng pamunuan ng GMA-7 at ng buong Bubble Gang team na magiging safe ang kanilang shoot.

“Come September we are going to start studio tapings na pero siyempre hindi na kami makapaghintay, I think nga long overdue na 'yung fresh episodes, so itong July ginawan na ng paraan para maka-shoot na kami for August, but come September dire-diretso mostly.

“May mga work from home pa rin, pero may mga studio episodes para sa mga fresh episodes. Of course, we had to make sure everyone is safe na hindi nawawala 'yung quality ng jokes.”

Buong pagmamalaki naman ibinida ni Sef Cadayona ang creative team ng gag show na naka-isip ng content na maari nilang i-shoot sa kanilang bahay at sinabi niyang “hindi half-baked” ang mga ito.

Salaysay ng StarStruck alum, “Thankful din kami sa creative team naman kasi nakagawa sila ng content na talagang feasible na gawin inside our homes.

“Tapos 'yung sinabi ni Mr. Paolo Contis, wow, they made sure na hindi half-baked 'yung mangyayari. So, kung may kailangang transformation gawin, ready 'yung creative team at staff namin ng Bubble [Gang] na maprovidan kami dito sa bahay namin para mashoot namin,”

Related content:

Fresh na fresh ang August sa GMA!

Lovely Abella, sumailalim sa 2-week isolation nang magpositibo sa COVID-19 rapid test