TV

Dasuri Choi, ramdam ang mainit na pagtanggap ng 'Bubble Gang' family

By Aedrianne Acar

Hindi mabura-bura ang ngiti sa mukha ng Korean dancer at YouTuber na si Dasuri Choi sa tuwing mapag-uusapan ang bago niyang show sa Kapuso Network na Bubble Gang.

Matapos sumali noong 2014 sa You're My Foreignay contest ng Eat Bulaga, mapapanood na siya ngayon bilang official Kababol starting May 27.

Kasama rin sa bagong cast members ng award-winning gag show sina Kim De Leon, Faith Da Silva at Tuesday Vargas.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com last week, hindi sukat akalain ni Dasuri na mapapabilang siya sa ganitong kalaking programa.

Kuwento niya, “Kasi po I've heard a lot of great things when you are part of Bubble Gang na.

“And it's a portal of opportunities for artists and I still can't believe I'm part of this amazing show na. Super thankful po ako.”

Natutuwa rin ang Korean star na makaka-work niya ang Bubble Gang pioneer na si Michael V. na na-meet niya na eight years ago.

“Noong nakita ko po si Kuya Bitoy, siyempre [this is not the first time I met him].

“Nakita ko po siya nung You're My Foreignay days pa noong 2014, so it's not our first work together.

“So, nung nakita ko siya uli parang, it's been awhile that I haven't seen him and super saya ko po. And, nakakatawa rin siya super!”

Source: dasurichoi_ (IG)

Ramdam din daw niya ang naging paggabay sa kaniya ni Direk Bitoy sa taping nila, lalo na kung may tanong siya about a scene.

Puri niya kay Michael V., “Hindi ko talaga akalain na ganun, kasi po medyo mayroong age gap din, siyempre Korean ako, tapos siya Pinoy na highly-respected comedian.

“So akala ko may gap kami, pero super friendly siya. Parang 'pag may tanong ako, mabilis din sagot niya. Parang part of the family na talaga ako. So, 'yun super tuwang-tuwa po ako.”

Excited na ba kayo sa mangyayari sa Bubble Gang relaunch on May 27?

Nag-aabang na rin ba kayo sa guesting ng sikat na Marites na si Justine Luzares?

Heto ang pasilip sa Friday episode ng longest-running gag show on TV sa video below.