EXCLUSIVE: Eugene Domingo at Edu Manzano, nagbahagi tungkol sa 'Celebrity Bluff' Christmas episodes
Hindi lang kasiyahan at kaalaman ang hatid ng Celebrity Bluff dahil ipadarama rin ng programa ang diwa ng Pasko.
Month-long ang Christmas celebration sa all-original Pinoy comedy game show, at nagsimula na ito nitong November 25. Simula noong nakaraang Sabado, isang celebrity contestant at ang kanilang napiling nais na tulungan ang bubuo ng teams sa Celebrity Bluff.
Paliwanag ni Eugene Domingo at Edu Manzano, ito raw ang naisip ng programa para lalong maipadama sa lahat ang Kapaskuhan.
Ani Eugene, “For the spirit of Christmas, naisip namin na, actually parang naramdaman namin na mas magkakaroon ng point ‘yung fun kung at the same may fun at saka may sharing kasi may involved na prize eh. So, parang mas maganda ata ngayong Pasko, i-share mo nalang sa siguro mas nangangailangan o kaya sa iniisip mo na mas karapat-dapat na magkaroon ng extra, ganun. ‘Di ba, fun and sharing, ang gandang combination. So every time manonood sila ng Celebrity Bluff, ang saya na, may puso pa.”
“’Yung mga nasa industriya are very blessed. You know we have so much going our way, and it’s nice to be able to share with other people who don’t have as much as you do,” dagdag naman ni Edu.