TV

Julie Anne San Jose at Boobay, nag-rap battle sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Nagpagalingan sina Julie Anne San Jose at Boobay bilang si Julie Anne Dumi sa isang rap battle sa Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, June 27, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-"Fact or Bluff" sina Barbie Forteza at Thea Tolentino, Pauleen Luna at Glaiza de Castro, at Julie at Julian Trono.

Maliban sa tagisan ng kaalaman, nasaksihan din sa parehong episode ang rap battle sa pagtian ng Asia's Pop Diva at ang nagpapanggap na si Julie Ann Dumi.

Dikit na dikit din ang laro ng celebrity players hanggang sa second round. Sino kaya ang aabot sa jackpot round?

Panoorin:


Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.