TV

Kylie Padilla, ano ang reaction nang makasama sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa 'Celebrity Bluff?'

By Cherry Sun

Former Kapuso love teams ang naglaro sa Celebrity Bluff. Naging komportable kaya si Kylie Padilla na maipares ang kanyang asawa na ngayong si Aljur Abrenica kay Kris Bernal?

Nitong Sabado, September 26, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang mga pinasikat na tambalan ng Kapuso drama. Magkakampi ang Prinsesa Ng Buhay Ko na sina Aljur at Kris, ang love team mula Adarna na sina Geoff Eigenmann at Kylie, at ang tambalang Elmo Magalona at Janine Gutierrez mula sa Villa Quintana.

Dahil on-screen partners ang celebrity players, hindi naiwasang tuksuhin sila sa isa't isa. Ano kaya ang naging reaksyon ni Kylie na makitang sa iba itinutulak ang kanyang nobyo noon?

Samantala, hindi naman nagpahuli ang #JoGe love team at sa pagbubukas palang ng programa ay nagkulitan at lambingan na. Si Jose, may regalo pang kwintas para kay Uge!

Panoorin ang buong video ng September 26 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.