TV

Bianca Umali, napabilib ang netizens sa kaniyang paggganap bilang Super Ging!

By Aedrianne Acar

Maraming Kapuso viewers ang humahanga sa husay sa pag-arte ni Bianca Umali sa episode nila ni Miguel Tanfelix sa Daig Kayo Ng Lola Ko na "Amazing Adventures of Super Ging and Harvey."

Bianca Umali

Daig Kayo Ng Lola Ko: Nakakagigil si Chiqui!

Inulan ng papuri ang Kapuso actress, dahil nakakabilib ang pagganap niya bilang isang superhero. Bigay-todo daw si Bianca sa pag-arte kahit na mahirap ang mga fight scene na kailangan niyang gawin sa show.

Huwag bibitaw sa mga magical adventure na matutunghayan sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Amazing Earth.