TV

EXCLUSIVE: Bianca Umali, walang arte kahit matamaan sa fight scenes sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar

Ramdam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mainit na pagtanggap ng Kapuso viewers sa guesting nila sa number one weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Bianca Umali

Bianca Umali, napabilib ang netizens sa kaniyang paggganap bilang Super Ging!

Ilang linggo nang namamayagpag sa ratings ang kuwento nina Super Ging at Harvey na kinagigiliwan hindi lamang ng mga bata kundi pati na rin ng matatanda.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa BiGuel bago sila sumabak sa Kapuso ArtisTambayan ngayong Huwebes, February 7, nagpasalamat si Bianca sa mga manonood na tumututok sa kanila tuwing Linggo ng gabi.

Ani Bianca “Actually sobrang happy, sobrang blessed and I didn't expect na tatak sa kanila si Super Ging. And actually ngayon Super Ging is one of my favorite characters talaga.”

Ayon kay Miguel, susi daw sa kanilang success na light ang atmosphere tuwing nasa taping sila sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Wika ng Kapuso actor, “Light 'yung taping tapos nakaka-aliw 'yung mga eksena kasi kumbaga Daig Kayo Ng Lola Ko, mostly para sa mga bata. Kaya 'yung ginagawa namin, ginagawa talaga naming masaya so it translates sa TV.”

Nagkuwento din si Bianca sa karakter niya sa show na si Super Ging at experience na mag-shoot ng sarili niyang fight scenes.

“Sobrang saya! Nagagawa ko 'yung gusto ko, nagagawa ko 'yung mahal ko. At saka napaglalaruan ko siya. Cause you know it's not anything serious, it's not something I've done already before. At tsaka isa talaga sa dream ko maging superhero.

“Actually I love doing fight scenes and action, I never use double.”

Wala din problema kay Bianca, kung minsan ay masaktan sa shoot nila para sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

“Okay lang actually mas gusto ko nga 'yun kasi mas totoo.”

Tumutok sa tumitinding laban ni Super Ging sa Daig Kayo Ng Lola Ko every Sunday night, after Amazing Earth.