TV

Maalala kaya ni Brix ang pinagsamahan nila ni Tricia? | Teaser Ep. 133

By Aedrianne Acar

Isang malaking milagro ang nangyari na kahit pinagtangkaan ang buhay ni Brix (Miguel Tanfelix) ng kanyang kapatid na si Jigs (Anjo Damiles) ay nagawa pa rin nito makabalik sa kanyang katawan.

Ngayong nakabalik na si Brix, maalala pa kaya niya ang spirit questor na si Tricia (Bianca Umali) na tumulong sa kanya noong kaluluwa lamang siya?

The magical stories of Lola Goreng in Daig Kayo Ng Lola Ko

Manganib pa rin kaya ang buhay ng binata lalo na at may tinatagong lihim ang kapatid patungkol sa nawawalang pera sa kumpanya?

Tumutok sa gumagandang kuwento ng 'Love From Beyond,' ngayong Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth.