TV

Tunay na halaga ng pamilya matutunan sa kuwento ni Lola Goreng | Teaser Ep.

By Aedrianne Acar

Touching ang dalawang kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko na magpapaalala sa atin ang importansya ng ating pamilya.

Tunghayan ang last part ng kuwento ni Grasya na ginampanan ng buong husay ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa heartwarming story na 'Grasya ang taong grasa.'

READ: Why Marian Rivera is the perfect choice as the special guest for the pilot episode of 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'

Kung ang dream mommy mo is just one click away, magagawa mo bang palitan ang sarili mong ina?

Panoorin ang mga Kapuso stars na sina Mikee Quintos, Yasmien Kurdi at Manilyn Reynes sa punong-puno ng aral na second story sa 'Download Mommy.'

Gawing makabuluhan ang Sunday night bonding ninyo with the whole family sa panonood ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Una sa listahan sa back-to-back story ni Lola Goreng ang 'Grasya ang taong grasa' sa oras na 7:05 P.M at susundan naman ito ng 'Download Mommy' sa ganap na 7:45 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.