TV

Carla Abellana, laging umaasa sa signs?

By Cherry Sun

 

 

Si Carla Abellana si Jessa, ang babaeng mahilig sa signs sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, March 25.

Adik sa pagdepende at paghanap ng signs si Jessa. Mula sa kinakain niya, kanyang sinusuot at hanggang sa paghahanap niya ng kanyang The One, umaasa siya sa signs.

Isang araw, tila sinagot ng universe ang mga dasal at hiling niya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Lahat kasi ng hinihingi niyang signs ang nakakainis at hopeless romantic na si Richard (Jerald Napoles) ang itinituro.

Sundin pa rin kaya ni Jessa ang signs kahit hindi naman si Richard ang itinitibok ng puso niya? Paano na kaya ang happy ending niya?

Subaybayan ang kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, Marc 25, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.