TV

Sheryl Cruz, hindi makapagbayad ng utang?

By Cherry Sun

Alang-alang sa kanyang mga anak, hindi magdadalawang-isip mangutang si Sheryl Cruz bilang si Sophie sa kuwentuwaan sa Dear Uge. Pero, ano ang mangyayari kung hindi pala niya kayang bayaran ang inutang niya?

Separated na si Sophie sa kanyang mister na si Nico (Jay Manalo) at nasa kanya ang custody ng kanilang anak na sina Mitch (Lindsay de Vera) at Andre (Ralph Noriega). Naging maayos naman ang kanilang buhay hanggang sa bumalik si Nico para makihati sa kustodiya ng mga bata.

Magiging malapit sina Mitch at Andre sa kanilang ama. Ma-i-insecure si Sophie nang mapansin ang kasiyahan ng dalawang bata at maiisip niyang gawin ang lahat para mahigitan ang ibinibigay ng kanyang ex-husband sa kanila.

Para kumpetensiyahin si Nico at para lalong makuha ang loob ng kanilang anak, mangungutang si Sophie. Pero, paano kung hindi na pala niya kayang bayaran ang lahat ng hiniram niyang pera?

 

 

Subaybayan ang kuwentuwaang pinamagatang ‘Utang Kang Naging Akin’ sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, May 6.