TV

Lucky in love si Valeen Montenegro sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Lahat tayo, gustong maging lucky in life and love.

Valeen Montenegro

Pero si Jas (Valeen Montenegro), not-so-lucky when it comes to love. Meron na siyang lahat noon, a booming career, a blossoming love life. Pero nang magback-out ang kaniyang fiance sa wedding day, puro kamalasan ang naranasan ni Jas.

Pagkatapos niyang maayos ang kanyang problema, nakilala naman ni Jas si Lucky (Jeric Gonzales), the not-so-lucky guy. Habang inaayos nila ang kani-kanyang issues, napagtanto nila na dapat nilang tulungan ang isa't isa.

Alamin ang love story nina Jas at Lucky sa Dear Uge, kasama sina Valeen Montenegro, Jeric Gonzales, Rubi Rubi, Kevin Sagra, Nar Cabico, at Kim Rodriguez ngayong Linggo, August 18.