TV

'Bae' ni Kate Valdez si Buboy Villar sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

"Naranasan mo na ba 'yung feeling na hindi pabor sa 'yo ang parents ng jowa mo? Kung oo, dapat mong panoorin ang episode ng Dear Uge na pinamagatang “My Chaka Bae” ngayong Linggo, December 29."

Dear Uge

'Di tulad ng kanyang asawa, hindi pabor si Noy (John Feir) sa boyfriend ng kanyang anak na si Pikoy (Buboy Villar).

Para sa kanya, medyo pangit ito para kay Miki (Kate Valdez). “Dapat naaayon sa ganda,” naisip niya.

Sa tulong ng kanyang kaibigan na si Tunying (Rob Sy), magpaplano ng iba't ibang paraan si Noy para mag-break ang magkasintahan na mapupunta sa sakitan at harapan.

Matutuloy kaya ang mga plano ni Noy? Matatanggap kaya niya si Pikoy para kay Miki?

Alamin yan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya sa GMA-7.