TV

Ang not-so-fairytale love story ni Boobsie sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Ang buhay puno ng sorpresa, tulad na lang ni Cinderella na isang maid na na-in-love sa isang prinsipe o kaya naman si Sleeping Beauty na nagising sa isang true love's kiss.

Pero paano kung hindi ka prinsesa at hindi ka mukhang prinsesa? Makukuha mo pa rin kaya ang happily ever after mo?

In-love si Jana (Boobsie) kay Louie (Jason Abalos), asawa ng kanyang number one customer na si Aryan (Sophie Albert).

Ang problema ni Jana, 'di siya gaanong kagandahan at paano siya makikihalubilo sa asawa ng kanyang lover?

Ano kayang mangyayari kung malaman ni Aryan na kabit pala ni Louie si Jana?

Alamin sa Dear Uge kasama sina Boobsie, Sophie Albert, at Jason Abalos ngayong Linggo, June 28.