TV

Alden Richards, excited nang bumalik sa primetime

By MARAH RUIZ

 

 

Espesyal para kay Kapuso star Alden Richards ang upcoming drama series na Destined To Be Yours. Ito kasi ang unang teleseryeng pagbibidahan nila ng ka-love team na si Maine Mendoza. Bukod dito, ito rin ang pagbabalik niya sa primetime bilang isang leading man.

 

"Very excited din po ako kasi parang after a while, ngayon na lang po ako makakabalik sa soap, sa acting," paliwanag ni Alden.

Masaya din daw si Alden sa lahat ng makakasama niya sa serye.

"I'm so happy with the team. I'm so happy with the actors I'm with kasi ramdam ko po 'yung passion nila to make the soap work. Ramdam ko po 'yung passion nila to make the script very effective sa audience and sa actors as well," paliwanag nito.

Hanga din siya sa direktor ng serye na si Irene Villamor na pangalawang beses na niyang makakatrabaho. 

Si direk Irene kasi ang nagsilbing assistant director ng "God Gave Me You," Eat Bulaga Lenten Special na idinirehe ni Bb. Joyce Bernal at pinagbidahan nina Alden at Maine. 

"Ang dami niya pong input when it comes to characters of the actors. Mas alam pa ni direk 'yung characters namin kesa sa amin ni Maine," paglalarawan nito sa direktor. 

Nakaka-inspire daw ang enthusiasm ng direktor at ng kanyang co-stars. 

"Talagang sobrang nakakabilib po. Ang sarap pong i-share nung same passion. Ang sarap magtrabaho kapag lahat kayo, into the thing you're doing like the soap opera. Sobrang happy po ako," ani Alden. 

Kagaya ng kanilang mga fans, inaabangan din ni Alden ang mga magiging eksena nila ni Maine.

"Ito na po 'yung opportunity namin to do a soap opera together. Kahit ako po, hinihintay ko rin po kung ano 'yung magiging mga episodes na dadating kasi ito po 'yung first time namin na magta-trabaho ni Maine in a soap," sambit niya.

Worldwide ang magiging premiere ng Destined To Be Yours sa February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Tignan ang ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, ayaw isipin ang kumpetisyon ng 'Destined To Be Yours'

BEHIND THE SCENES: 'Destined To Be Yours' cast photo shoot