TV

EA Guzman, ikinuwento ang pinagkakaabalahan ngayong community quarantine

By Maine Aquino

Ibinahagi ni EA Guzman ang iba't ibang mga pinagkakaabalahan niya habang naka-community quarantine sa latest episode ng E-Date Mo Si Idol.

Si EA ang celebrity na naghanap ng kanyang makaka-virtual date nitong August 6. Sa episode na ito ay napili niya ang kanyang Facebook friend na si Frances.

Kuwento ni EA kay Frances, busy siya sa pag-explore ng puwedeng gawin para ma-entertain ang kanyang fans kahit naka-quarantine.

"Nag-isip ako kung ano pa puwede kong gawin sa career para mapasaya ko kayo, 'yung mga taong nagmamahal sa akin.

"Kung ano pa ang io-offer ko sa inyo para mas ma-entertain pa kayo sa akin na hindi lang puro acting, puro sayaw."

Ibinahagi ni EA na ito raw ang rason kung bakit nabuo ang kanyang YouTube channel. Nagkaroon rin siya ng business at pinagtuunan ng pansin ang kanyang sarili at pamilya.

"Nagawa ko 'yung YouTube channel ko, nakapag-online business ako. 'Yun lang din 'yung mga nagawa ko.

"Siyempre inalagaan ko pa rin yung sarili ko. 'Yun naman talaga yung tama. Mas marami akong time sa pamilya ko."

Panoorin ang kanilang naging kuwentuhan sa E-Date Mo Si Idol.

E-Date Mo Si Idol: EA Guzman, NAPATALON sa kilig!

E-Date Mo Si Idol: Ideal story para sa future leading lady ni EA Guzman, ano kaya?