TV

WATCH: AlDub lumabas sa kanilang comfort zone para sa 'Love is...'

By Catherine Doña

Bago ipalabas ang unang telemovie nina Alden Richards at Maine Mendoza na 'Love is...' kahapon, October 21, ininterbyu muna ng mga Dabarkads ang phenomenal love team sa red carpet. 

READ: AlDub telemovie na 'Love Is...,' trending sa buong mundo

Nagpaliwanag ang AlDub kung bakit ibang Alden at Maine ang makikita sa 'Love is...'

Ani Maine, "First time namin 'to gagawin kasi 'di ba sanay din 'yung mga tao na pa-funny ganyan, pa-cute, pa-sweet [kami]. 'Yun [ang] lagi naming ginagawa. So ito (Love is...), ibang Alden and Maine [ang mapapanood]."

Dagdag naman ni Alden, "First project po namin dalawa together na medyo mabigat. Medyo umalis kami dun sa sweet... sa [aming] comfort zone."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang interview sa Eat Bulaga: 

 

WATCH: Rodjun Cruz and Dianne Medina, grateful to be part of AlDub's telemovie 'Love is...'