TV

Paninira ni Pirena kay Amihan | 'Encantadia' Ep. 40

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa May 15 (Biyernes) episode nito, patuloy na ginugulo ni Pirena (Glaiza De Castro) ang katahimikan ng Lireo.

Nagbabalat-kayo siya bilang si Hara Amihan (Kylie Padilla) at gumagawa ng iba't ibang kasamaan upang kamuhian ng mga Encantado sa kanilang kaharian.

Samantala, mag-isa ngayon si Danaya (Sanya Lopez) sa mundo ng mga tao kaya naman susubukan siyang paslangin ng mga Hathor upang makuha ang Brilyante Ng Lupa.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.